Si Nessey ay 26 years old at mula sa Pinagbuhatan, Pasig City.
Narito ang kwento ni Nessey kung paano niya nabuo ang kanyang song entry:
"Nabuo ko po yung kanta, una po yung lyrics, tuluy-tuloy ko po siya nasulat . That time po kasi meron po akong pakiramdam na parang nag-iisa ako. Pero bigla pong may pumasok sa isip ko na nagsasabi na 'Hindi ka nag-iisa. Merong Dios na nandyan para sa'yo para samahan ka at gabayan ka.' Yung melody naman po nabuo siya nung time na pinapatulog ko po yung pamangkin ko. Habang pinapatulog ko siya, nagha-hum po ako. Doon na po nabuo yung melody."
Nagustuhan naman kaya ng mga hurado ang mala-lullabye praise song entry ni Nessey? Narito ang paghihimay ng panel of judges:
"Itong kanta na 'to ay mukhang isinulat talaga para kay Gian. Talagang sakto... Bagay na bagay. Correct choice of interpreter. The song sections are clear enough and the melodic structure ay tama naman. In fact I would venture to say napakaganda ng melody ng chorus mo. Especially the second half...The chorus is so simple. Andaling i-comprehend...Napakaganda nung song...Mabigat talunin." Ito ang wika ni Judge Mon del Rosario na siyang unang nagpahayag ng kanyang hatol.
Ang sabi naman ni comedienne-singer Judge Beverly Salviejo ay
"Very very refreshing ang dating sa'kin nung kanta. Napakasimple. Ang simple simple ng dating, ang sarap sarap tuloy ng feeling makinig. Ang sarap sa tainga. In my book, darling, this is very very well done. I love it!"
Love din kaya ni Judge Boboy Garovillo ng Apo Hiking Society ang kanta ni Nessey?
"Nessey, the chorus is really beautiful.... Ang ganda ng chorus....the verses kailangan ng adjustment talaga....yung continuity ng kwento...Ayusin mo lang yung verses, maganda talaga yung kanta. Congratulations."
Si Gian Gloria, isang Philippine Idol Top 40 finalist, ang interpreter ng awit na ito na para sa mga judges ay perfect choice para sa awitin.
Ang wika nga ni Ms. Beverly Salviejo patungkol sa rendition ni Gian ng awiting "You're My God" ay:
"Ang pagkakanta mo, Gian, parang feather. Napaka-light. Para kang pinaghehele sa heavens. Parang ang saya-saya...Ang ganda ng boses mo, Ne! Love it!"
Tunghayan naman natin ang lyrics ng chorus ng "You're My God" upang malaman natin ang ilang letra ng kantang aabangan natin sa February monthly finals.
"I love You
I love You
You're my God
You're my life
The reason I survive
I thank You
I praise You
And there's no one else but You"
Hayan! Kumpleto na ang apat na song entries para sa buwan ng Pebrero. Abangan kung alin sa apat na awitin ang sasabak sa grand finlas, kung loloobin, sa September ng taong ito.
Tutok lang sa A Song of Praise Music Festival twing Linggo, 7:00 hanggang 8:30 nang gabi walang iba kundi sa estasyong nating mga kasangbahay, ang UNTV 37 Tahanan Mo, Tahanan Natin.
No comments:
Post a Comment
Please feel free to comment...