Monday, February 24, 2014

ASOP's 6th song entry for 2014 Grand Finals is "Biyaya"



"Biyaya" composed by Meldin Nabia and interpreted by SubProjekt band member Brenan Espartinez was hailed as the monthly winning song in February, which  will be one of the original praise song compositions to compete in ASOP's grand finals this year, God willing in September.

"Sa bawat ginawa ni God, sa biyaya Niya, (dapat) maging thankful po tayo, ultimo doon sa maliliit na bagay." (For  everything that God made, for his blessings, we should be thankful, even for small things.)

This is the message of Meldin Nabia's composition. Meldin, who hails from Laguna, is thankful to ASOP for the enhancement of his songwriting talent thru comments and advice of judges.

"Maraming pangyayari sa buhay natin, hindi natin maipaliwanag....Kung iisipin nga, kahit anong pagsubok man, kahit anong hirap, 'pag naisip mo yung biyaya Niya, talagang mawawala lahat eh..."

For Meldin, being one of ASOP's grand finalists is one great blessing.

Monday, February 10, 2014

ASOP NEXT TAPING SCHEDULE FOR FEBRUARY

FEBRUARY 12, 2014, tomorrow at La Verdad Christian College Auditorium in
Caloocan City

Please be in semi-formal or smart casual attire. :)

Call time is 1:00 p.m.

See you there!


Monday, February 18, 2013

"You're My God" ang kumumpleto sa Feb monthly finlas song line-up!

Congratulations sa tandem nina Nessey Armillo at Gian Gloria para sa awiting "You're My God" na siyang nahirang na Song of the Week sa ikatlong linggo ng Pebrero!

Si Nessey ay 26 years old at mula sa Pinagbuhatan, Pasig City.

Narito ang kwento ni Nessey kung paano niya nabuo ang kanyang song entry:

"Nabuo ko po yung kanta, una po yung lyrics, tuluy-tuloy ko po siya nasulat . That time po kasi meron po akong pakiramdam na parang nag-iisa ako. Pero bigla pong may pumasok sa isip ko na nagsasabi na 'Hindi ka nag-iisa. Merong Dios na nandyan para sa'yo para samahan ka at gabayan ka.' Yung melody naman po nabuo siya nung time na pinapatulog ko po yung pamangkin ko. Habang pinapatulog ko siya, nagha-hum po ako. Doon na po nabuo yung melody."

Nagustuhan naman kaya ng mga hurado ang mala-lullabye praise song entry ni Nessey? Narito ang paghihimay ng panel of judges:

"Itong kanta na 'to ay mukhang isinulat talaga para kay Gian. Talagang sakto... Bagay na bagay. Correct choice of interpreter. The song sections are clear enough and the melodic structure ay tama naman. In fact I would venture to say napakaganda ng melody ng chorus mo. Especially the second half...The chorus is so simple. Andaling i-comprehend...Napakaganda nung song...Mabigat talunin." Ito ang wika ni Judge Mon del Rosario na siyang unang nagpahayag ng kanyang hatol.

Ang sabi naman ni comedienne-singer Judge Beverly Salviejo ay
"Very very refreshing ang dating sa'kin nung kanta. Napakasimple. Ang simple simple ng dating, ang sarap sarap tuloy ng feeling makinig. Ang sarap sa tainga. In my book, darling, this is very very well done. I love it!"

Love din kaya ni Judge Boboy Garovillo ng Apo Hiking Society ang kanta ni Nessey?

"Nessey, the chorus is really beautiful.... Ang ganda ng chorus....the verses kailangan ng adjustment talaga....yung continuity ng kwento...Ayusin mo lang yung verses, maganda talaga yung kanta. Congratulations."

Si Gian Gloria, isang  Philippine Idol Top 40 finalist, ang interpreter ng awit na ito na para sa mga judges  ay perfect choice para sa awitin.

Ang wika nga ni Ms. Beverly Salviejo patungkol sa rendition ni Gian ng awiting "You're My God" ay:

"Ang pagkakanta mo, Gian, parang feather. Napaka-light. Para kang pinaghehele sa heavens. Parang ang saya-saya...Ang ganda ng boses mo, Ne! Love it!"

Tunghayan naman natin ang lyrics ng chorus ng "You're My God" upang malaman natin ang ilang letra ng kantang aabangan natin sa February monthly finals.

"I love You
I love You
You're my God
You're my life
The reason I survive
I thank You
I praise You
And there's no one else but You"

Hayan! Kumpleto na ang apat na song entries para sa buwan ng Pebrero. Abangan kung alin sa apat na awitin ang sasabak sa grand finlas,  kung loloobin, sa September ng taong ito.

Tutok lang sa A Song of Praise Music Festival twing Linggo, 7:00 hanggang 8:30 nang gabi walang iba kundi sa estasyong nating mga kasangbahay, ang UNTV 37 Tahanan Mo, Tahanan Natin.

Wednesday, February 13, 2013

It's a Tie Ulit!



Ikalawang “tie” sa taong ito ang naganap sa ikalawang linggo sa buwan ng Pebrero sa A Song of Praise Music Festival, the first and only praise songwriting competition in the Philippines.
Parehas na tinawag bilang Songs of the Week ang mga awiting “You are the Love” at “Oh Aking Ama (Salamat sa Iyo)”.
Ang composer ng “You are the Love” ay mahilig gumawa ng melody sa pamamagitan ng pag “humming” t’wing siya raw ay nasa banyo.
Siya ay si Rommel Amolo na mula sa Taguig City.
Ang sumulat naman ng “Oh Aking Ama (Salamat sa Iyo)” ay isang electrician, plumber at painter na mula naman sa Cainta, Rizal. Nais niyang magpasalamat sa kabutihan ng Dios kaya siya nakasulat ng isang praise song.
Salamat kina Wings Soriano, ang interpreter ng “Oh Aking Ama (Salamat sa Iyo)” at Almira Cercado para naman sa awiting “You are the Love”.
Si Wings Soriano ay isang acoustic performer at producer ng “Let Me Be the One” album para kay Jimmy Bondoc.
Si Almira Cercado ay isa sa mga Cercado sisters na lumahok na rin sa WCOPA.
Ang mga naging hurado naman ay sina Boboy Garovillo ng Apo Hiking Society,
Beverly Salviejo na isang singer-comedienne, at ang resident Judge, si Mon
del Rosario.
Congratulations sa mga winners para sa ikalawang linggo ng Pebrero.
Tutukan naman ang February Week 3 episode ng A Song of Praise Music Festival sa Sunday, Feb. 17, 2013, 7:00 to 8:30 pm sa UNTV 37 Tahanan Mo, Tahanan Natin.

Monday, February 4, 2013

“Iniibig Kita Buong Puso at Kaluluwa” ang unang Song of the Week sa Feb




“Iniibig Kita Buong Puso at Kaluluwa” ang panalong praise song entry sa unang linggo ng Pebrero ngayong taon. Ang kompositor nito, si Raul Trinidad, at si Brenan Espartinez, na siyang napiling interpreter ng awit, ay tuwang-tuwa sa pagkapanalo nito.
Ito ang ikalawang beses ng pagsali ni Raul. “Sa naalaala ko dun sa first time na pagsali ko, sa musical arrangement, okey naman ang comment ng mga judges. Si Doc Mon, nag-comment na kailangan ma-improve doon sa lyrics ko,” ang wika ng kompositor.
“Ang naging inspirasyon ko sa ginawa kong kanta ngayon (ay) ‘yung biyaya ng Panginoon…mga pagpapala Niya sa atin. Kaya dahil sa mga iyon, nais ko Siyang pasalamatan, papurihan at sundin ang isa sa mga pinakamahalagang utos Niya –ang ibigin Siya buong puso at kaluluwa.”
Si Brenan naman ay masaya sa muling pag-anyaya ng ASOP sa kanya bilang interpreter. Ayon sa mga hurado, mahusay ang pagkaka-awit ni Brenan sa song entry ni Raul.
Si Brenan ay Pinoy Pop Superstar Season 1 1st runner-up at miyembro ng bandang SubProjek.
Narito naman ang dalawa pang song entries para sa Week 1 ng February:
(1) “Itatanghal Ka sa Bawat Awitin Ko” na isinulat ni Joyzer Nicolas, at inawit naman ni Vince Alaras, dating vocalist ng bandang South Border.
(2) “Himig ng Buhay” na likha naman ni John Paul Padolina, at inawit ni Toto Sorioso, na isang singer-song writer at ang 2010 FILSCAP songwriting competition grand winner.
Congratulations, Raul at Brenan!
Abangan ang muling pagsabak nila sa February monthly finals.
Tutok lang sa ASOP tuwing Linggo, 7:00-8:30 PM sa UNTV 37.

Monday, January 28, 2013

“Lagi Kang Nariyan” wagi bilang January monthly winner




Masayang-masaya ang magkapatid na Christian Obar at Agat dahil sa pagkapanalo ng praise song entry na “Lagi Kang Nariyan”. Si Christian ang nag-compose, at si Agat naman ang nag-interpret ng awit na ito.
Hindi inaasahan ni Christian na siya ang tatanghaling ikalimang grand finalist sa taong ito ng ASOP dahil para sa kanya, lahat ng apat na January monthly finalists ay deserving manalo.
Ang kaibahan ng karanasan ni Christian bilang grand finalist noong ASOP Year 1 at ngayong ASOP Year 2:  Nanalo si Christian sa Producer’s Pick episode noong year 1, ngunit ngayong Year 2 ay nanalo siya as monthly winner.
Kapansin-pansin ang pagbabago ng lyrics sa kanta, dahil na rin sa mga suhestiyon ng mga hurado nang unang marinig ang “Lagi Kang Nariyan” sa unang weekly elimination noong January 6, 2013. Matatandaang nagkaroon ng “tie” sa pagitan ng “Lagi Kang Nariyan” at “Follow My Heart to You” na komposisyon naman ni Rebecca Tanamal.
“Actually may mga revisions po akong ginawa ditoYung mga (comment) ng judges
Gumawa rin po ako ng sarili kong revisions. Pinagsama-sama ko lang siya. Tapos…sana magustuhan po (ng) panlasa ng mga judges natin kung ano man po ang mga revisions na ginawa ko po,” pahayag ng kompositor.
Si Agat naman ay nagpahayag din ng pasasalamat sa pagkapanalo nilang magkapatid.

“…Iba-ibang genre….Kung iisipin mo swertihan, kaso ibinigay N’ya. E di maraming maraming salamat po… Masaya po kami kasi, s’yempre, magkapatid kami.  Tapos first time niya na magkasama kami… First time po ditto sa ASOP.”
Si Agat ay isang recording artist at award winner sa larangan ng paglikha ng awit.

Tuesday, January 22, 2013

“God is Good All the Time” 3rd Song of the Week for January


Congratulations kay Mr. Joselito Opulencia sa kanyang pagkapanalo bilang composer ng ASOP 3rd Song of the Week for the month of January 2013 na may pamagat na “God is Good All the Time”!

Si Mr. Opulencia, na isang businessman mula sa Baguio City, ay nagwikang siya ay nakapagsulat ng awiting “God is Good All the Time” dahil ang inspirasyon niya ay ang kabutihan ng Dios. Itinuturing niyang napakasimple ng kanta niya kaya hindi inaasahan ang panalo.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga hurado patungkol sa awiting “God is Good All the Time”:

RANNIE RAYMUNDO:
“I think that phrase “God is good all the time”  parang that completes everything about God….Palagay ko marami kang blessing sa buhay kaya mo nasulat ito….What I appreciate is, dahil sa mga kantang tulad nito…na ginawa mo, pati kami na nakikinig nare-realize namin ulit, di naman naming nakakalimutan, but it is always good to remind us that God is good.”

RACHELLE GERODIAS
“Maganda yung pagkagawa ng letra….It is very well written….There’s rhyme. There’s rhythm….It’s in a classic form, may apat na verses, very evenly divided, four lines each. There’s a chorus, and there’s a coda. It’s kind of like a hymn in ballad form….I like it.”

MON DEL ROSARIO
“Ang konsepto nito, very unique….Ito yung a song of praise na may colors ng isang standard. Parang ‘pag pinakinggan mo siya, parang dati na s’yang hit song, dati na s’yang sikat….Great melody…very commercial…very memorable ang mga melodic lines….The song sections are very clear. Napaka well-structured nitong kantang ‘to. Puntahan natin sa lyrics, klaro rin ang story-telling….”

Natutuwa naman si Mr. Frank Packing, isang member ng Footstep Band ng Baguio City at s’yang napiling interpreter para sa kantang ito, na tinagurian  ni Judge Mon del Rosario na “someone  who sings better than Jack Jones”!

Narito ang mensahe ng bahaging koro ng awiting “God is Good All the Time”:

“God, You’re good all the time
Guiding me unto divine
You light my path with Your only Son
The eternal life Your everlasting love”

Mga kasangbahay, abangan natin sa susunod na Linggo kung sino ang tatanghaling monthly winner para sa buwan ng Enero sa A SONG OF PRAISE MUSIC FESTIVAL, 7:00 hanggang 8:00 nang gabi tanging sa UNTV 37!