Espesyal ang unang linggo ng Enero sa ASOP dahil sa pagkakaroon ng kauna-unahang “tie” sa ikalawang taon nito.
Ang mga awiting “Follow My Heart to You” na isinulat ni Rebecca Tanamal, at “Lagi Kang Nariyan” na komposisyon naman ni Christian Obar ay itinanghal na Songs of the Week sa unang linggo ng Enero.
Kilalanin natin ang kompositor ng song entry na “Follow My Heart to You”:
“I’ve been composing praise songs since I was in college in the Adventist University of the Philippines. I took music for six years there…It’s my first time to join a competition like this…I’m glad that just through my song, many people were blessed, and I was able to share what music is really all about…and who created music. Of course, God’s the one…The most important thing about my song is I want to share it…”
Ang mga komento ng mga hurado para sa awiting “Follow My Heart to You” ay:
“Very good melody. Very musical…Very inspiring. Just work on it a little bit more…It shows a lot of promise…”- Dingdong Avanzado
“…I like the measurements; hindi masyado mahaba…very childlike yung mga lyrics mo…full of confidence…” – Jamie Rivera
“Gusto ko actually yung konsepto ng kanta…napaka sincere…very positive…nasa musical na genre…I would say konting-konti lang itu-tweak sa melody…” – Mon del Rosario
Si Charity Grace Walthrop ang naging interpreter ng awiting “Follow My Heart to You.”
Kilala mo ba si Princess Kiara sa animated movie na “The Lion King”? Ang tinig sa likod ng karakter na si Princess Kiara ay kay Charity Grace.
Sa kabilang dako, tunghayan naman natin ang kwento ni Christian Obar, ang sumulat ng “Lagi Kang Nariyan”:
“Itong ginawa ko ngayon,medyo mabagal. Nagpa-inspire sa’kin, unang-una..yung nakapasok ako rito sa ASOP,mas nakilala ko po yung katwiran ng Dios. Lalo po akong napalapit sa Kanya. Saka tinuloy ko rin yung pagbabasa ko ng Biblia. ‘Don po ako humugot ng mga lyrics ko…Itong nagawa kong kanta, isang way din ito sa pagpapasalamat ko sa Panginoon. Kahit sa ganoong maliit na bagay, nakakapagpuri po tayo sa Kanya sa paggawa ng awit.”
Heto ang mga komento ng mga judges para sa awit na “Lagi Kang Nariyan”:
“…Ang ganda ng pagka-end nung kanta…I think you should work on the lyrics more…The music is good….”- Dingdong Avanzado
“The melody is beautiful. It’s like a Tagalog movie theme song…merong mga contradicting phrases…marami pang room for improvement when it comes to the lyrics…” – Jamie Rivera
“Yung konsepto ng kanta ay actually napakaganda at napaka-challenging…Yung title palang, iba na’ng sina-suggest ng istorya…kailangang i-rewrite talaga itong chorus para lumitaw yung sunshine…” – Mon del Rosario
Ang interpreter ng awit na ito ay si Agat, kapatid ni Christian Obar.
Noong 2007, siya ay nagwagi sa isang song writing competition na ginanap sa USA para sa mga kategoryang inspirational at dance. Si Agat din ang “only Filipina” na nakapasok sa ganitong contest.
Hayan! Alam na natin ang dalawang awit na aabangan natin sa Monthly Finals para sa January. Abangan naman natin ang susunod na Song of the Week. Magkaroon din kaya ng tie?
Mga kasangbahay, manuod lang ng A SONG OF PRAISE MUSIC FESTIVAL tuwing Sunday, 7:00pm to 8:30pm, walang iba kundi sa UNTV 37!
No comments:
Post a Comment
Please feel free to comment...