Itinanghal na ikalawang Song of the Week para sa buwan ng Enero 2013 ang awiting “Munting Dalangin” na isinulat ni Leomel Bato at inawit naman ni Miguel Aguila.
“Prayer ko talaga yun sa Dios. Sinabayan ko lang ng paggawa ng melody. Yun talaga yung hinihiling ko sa Kanya, sinulat ko lang, (tapos) ginawan ko ng melody.” Ito ang deskripsyon ni Leomel sa kanyang komposisyon.
Naluha pa dahil sa hindi inaasahang pagkapanalo si Leomel. “Napakasimple nga ng kanta kaya ‘di ko inaasahan ‘yon.”
Si Miguel Aguila ang napiling interpreter ng “Munting Dalangin.”
“Natutuwa po ako. Ang galing ng komposisyon. Pinakinggan ko nang paulit-ulit. Lalo kong nagugustuhan. Meron kasi akong naririnig na iba, na OK lang, na tama lang. Pero sa kanya parang talagang nagugustuhan ko. Na-e-LSS ako.”
Si Miguel Aguila, ang interpreter ng “Munting Dalangin” at first-timer sa ASOP ay isang image model at top performer. Siya ay isang Aliw Awards Hall of Famer at tinaguriang Viva Record’s Young Total Performer.
“O, aking Ama, salamat sa ’Yo
Sa bawat butil ng awa /aral Mo
Dasal at papuri tanging alay ko sa ’Yo
Sa mumunting tinig ng awit ko”
Ito ang mensahe ng bahaging Koro ng awiting “Munting Dalangin”.
No comments:
Post a Comment
Please feel free to comment...