Congratulations kay Mr. Joselito Opulencia sa kanyang pagkapanalo bilang composer ng ASOP 3rd Song of the Week for the month of January 2013 na may pamagat na “God is Good All the Time”!
Si Mr. Opulencia, na isang businessman mula sa Baguio City, ay nagwikang siya ay nakapagsulat ng awiting “God is Good All the Time” dahil ang inspirasyon niya ay ang kabutihan ng Dios. Itinuturing niyang napakasimple ng kanta niya kaya hindi inaasahan ang panalo.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga hurado patungkol sa awiting “God is Good All the Time”:
RANNIE RAYMUNDO:
“I think that phrase “God is good all the time” parang that completes everything about God….Palagay ko marami kang blessing sa buhay kaya mo nasulat ito….What I appreciate is, dahil sa mga kantang tulad nito…na ginawa mo, pati kami na nakikinig nare-realize namin ulit, di naman naming nakakalimutan, but it is always good to remind us that God is good.”
RACHELLE GERODIAS
“Maganda yung pagkagawa ng letra….It is very well written….There’s rhyme. There’s rhythm….It’s in a classic form, may apat na verses, very evenly divided, four lines each. There’s a chorus, and there’s a coda. It’s kind of like a hymn in ballad form….I like it.”
MON DEL ROSARIO
“Ang konsepto nito, very unique….Ito yung a song of praise na may colors ng isang standard. Parang ‘pag pinakinggan mo siya, parang dati na s’yang hit song, dati na s’yang sikat….Great melody…very commercial…very memorable ang mga melodic lines….The song sections are very clear. Napaka well-structured nitong kantang ‘to. Puntahan natin sa lyrics, klaro rin ang story-telling….”
Natutuwa naman si Mr. Frank Packing, isang member ng Footstep Band ng Baguio City at s’yang napiling interpreter para sa kantang ito, na tinagurian ni Judge Mon del Rosario na “someone who sings better than Jack Jones”!
Narito ang mensahe ng bahaging koro ng awiting “God is Good All the Time”:
“God, You’re good all the time
Guiding me unto divine
You light my path with Your only Son
The eternal life Your everlasting love”
Mga kasangbahay, abangan natin sa susunod na Linggo kung sino ang tatanghaling monthly winner para sa buwan ng Enero sa A SONG OF PRAISE MUSIC FESTIVAL, 7:00 hanggang 8:00 nang gabi tanging sa UNTV 37!
No comments:
Post a Comment
Please feel free to comment...