Masayang-masaya ang magkapatid na Christian Obar at Agat dahil sa pagkapanalo ng praise song entry na “Lagi Kang Nariyan”. Si Christian ang nag-compose, at si Agat naman ang nag-interpret ng awit na ito.
Hindi inaasahan ni Christian na siya ang tatanghaling ikalimang grand finalist sa taong ito ng ASOP dahil para sa kanya, lahat ng apat na January monthly finalists ay deserving manalo.
Ang kaibahan ng karanasan ni Christian bilang grand finalist noong ASOP Year 1 at ngayong ASOP Year 2: Nanalo si Christian sa Producer’s Pick episode noong year 1, ngunit ngayong Year 2 ay nanalo siya as monthly winner.
Kapansin-pansin ang pagbabago ng lyrics sa kanta, dahil na rin sa mga suhestiyon ng mga hurado nang unang marinig ang “Lagi Kang Nariyan” sa unang weekly elimination noong January 6, 2013. Matatandaang nagkaroon ng “tie” sa pagitan ng “Lagi Kang Nariyan” at “Follow My Heart to You” na komposisyon naman ni Rebecca Tanamal.
“Actually may mga revisions po akong ginawa dito…Yung mga (comment) ng judges…
Gumawa rin po ako ng sarili kong revisions. Pinagsama-sama ko lang siya. Tapos…sana magustuhan po (ng) panlasa ng mga judges natin kung ano man po ang mga revisions na ginawa ko po,” pahayag ng kompositor.
Si Agat naman ay nagpahayag din ng pasasalamat sa pagkapanalo nilang magkapatid.
“…Iba-ibang genre….Kung iisipin mo swertihan, kaso ibinigay N’ya. E di maraming maraming salamat po… Masaya po kami kasi, s’yempre, magkapatid kami. Tapos first time niya na magkasama kami… First time po ditto sa ASOP.”
Si Agat ay isang recording artist at award winner sa larangan ng paglikha ng awit.