“Iniibig Kita Buong Puso at Kaluluwa” ang panalong praise song entry sa unang linggo ng Pebrero ngayong taon. Ang kompositor nito, si Raul Trinidad, at si Brenan Espartinez, na siyang napiling interpreter ng awit, ay tuwang-tuwa sa pagkapanalo nito.
Ito ang ikalawang beses ng pagsali ni Raul. “Sa naalaala ko dun sa first time na pagsali ko, sa musical arrangement, okey naman ang comment ng mga judges. Si Doc Mon, nag-comment na kailangan ma-improve doon sa lyrics ko,” ang wika ng kompositor.
“Ang naging inspirasyon ko sa ginawa kong kanta ngayon (ay) ‘yung biyaya ng Panginoon…mga pagpapala Niya sa atin. Kaya dahil sa mga iyon, nais ko Siyang pasalamatan, papurihan at sundin ang isa sa mga pinakamahalagang utos Niya –ang ibigin Siya buong puso at kaluluwa.”
Si Brenan naman ay masaya sa muling pag-anyaya ng ASOP sa kanya bilang interpreter. Ayon sa mga hurado, mahusay ang pagkaka-awit ni Brenan sa song entry ni Raul.
Si Brenan ay Pinoy Pop Superstar Season 1 1st runner-up at miyembro ng bandang SubProjek.
Narito naman ang dalawa pang song entries para sa Week 1 ng February:
(1) “Itatanghal Ka sa Bawat Awitin Ko” na isinulat ni Joyzer Nicolas, at inawit naman ni Vince Alaras, dating vocalist ng bandang South Border.
(2) “Himig ng Buhay” na likha naman ni John Paul Padolina, at inawit ni Toto Sorioso, na isang singer-song writer at ang 2010 FILSCAP songwriting competition grand winner.
Congratulations, Raul at Brenan!
Abangan ang muling pagsabak nila sa February monthly finals.
Tutok lang sa ASOP tuwing Linggo, 7:00-8:30 PM sa UNTV 37.
No comments:
Post a Comment
Please feel free to comment...