Monday, February 18, 2013

"You're My God" ang kumumpleto sa Feb monthly finlas song line-up!

Congratulations sa tandem nina Nessey Armillo at Gian Gloria para sa awiting "You're My God" na siyang nahirang na Song of the Week sa ikatlong linggo ng Pebrero!

Si Nessey ay 26 years old at mula sa Pinagbuhatan, Pasig City.

Narito ang kwento ni Nessey kung paano niya nabuo ang kanyang song entry:

"Nabuo ko po yung kanta, una po yung lyrics, tuluy-tuloy ko po siya nasulat . That time po kasi meron po akong pakiramdam na parang nag-iisa ako. Pero bigla pong may pumasok sa isip ko na nagsasabi na 'Hindi ka nag-iisa. Merong Dios na nandyan para sa'yo para samahan ka at gabayan ka.' Yung melody naman po nabuo siya nung time na pinapatulog ko po yung pamangkin ko. Habang pinapatulog ko siya, nagha-hum po ako. Doon na po nabuo yung melody."

Nagustuhan naman kaya ng mga hurado ang mala-lullabye praise song entry ni Nessey? Narito ang paghihimay ng panel of judges:

"Itong kanta na 'to ay mukhang isinulat talaga para kay Gian. Talagang sakto... Bagay na bagay. Correct choice of interpreter. The song sections are clear enough and the melodic structure ay tama naman. In fact I would venture to say napakaganda ng melody ng chorus mo. Especially the second half...The chorus is so simple. Andaling i-comprehend...Napakaganda nung song...Mabigat talunin." Ito ang wika ni Judge Mon del Rosario na siyang unang nagpahayag ng kanyang hatol.

Ang sabi naman ni comedienne-singer Judge Beverly Salviejo ay
"Very very refreshing ang dating sa'kin nung kanta. Napakasimple. Ang simple simple ng dating, ang sarap sarap tuloy ng feeling makinig. Ang sarap sa tainga. In my book, darling, this is very very well done. I love it!"

Love din kaya ni Judge Boboy Garovillo ng Apo Hiking Society ang kanta ni Nessey?

"Nessey, the chorus is really beautiful.... Ang ganda ng chorus....the verses kailangan ng adjustment talaga....yung continuity ng kwento...Ayusin mo lang yung verses, maganda talaga yung kanta. Congratulations."

Si Gian Gloria, isang  Philippine Idol Top 40 finalist, ang interpreter ng awit na ito na para sa mga judges  ay perfect choice para sa awitin.

Ang wika nga ni Ms. Beverly Salviejo patungkol sa rendition ni Gian ng awiting "You're My God" ay:

"Ang pagkakanta mo, Gian, parang feather. Napaka-light. Para kang pinaghehele sa heavens. Parang ang saya-saya...Ang ganda ng boses mo, Ne! Love it!"

Tunghayan naman natin ang lyrics ng chorus ng "You're My God" upang malaman natin ang ilang letra ng kantang aabangan natin sa February monthly finals.

"I love You
I love You
You're my God
You're my life
The reason I survive
I thank You
I praise You
And there's no one else but You"

Hayan! Kumpleto na ang apat na song entries para sa buwan ng Pebrero. Abangan kung alin sa apat na awitin ang sasabak sa grand finlas,  kung loloobin, sa September ng taong ito.

Tutok lang sa A Song of Praise Music Festival twing Linggo, 7:00 hanggang 8:30 nang gabi walang iba kundi sa estasyong nating mga kasangbahay, ang UNTV 37 Tahanan Mo, Tahanan Natin.

Wednesday, February 13, 2013

It's a Tie Ulit!



Ikalawang “tie” sa taong ito ang naganap sa ikalawang linggo sa buwan ng Pebrero sa A Song of Praise Music Festival, the first and only praise songwriting competition in the Philippines.
Parehas na tinawag bilang Songs of the Week ang mga awiting “You are the Love” at “Oh Aking Ama (Salamat sa Iyo)”.
Ang composer ng “You are the Love” ay mahilig gumawa ng melody sa pamamagitan ng pag “humming” t’wing siya raw ay nasa banyo.
Siya ay si Rommel Amolo na mula sa Taguig City.
Ang sumulat naman ng “Oh Aking Ama (Salamat sa Iyo)” ay isang electrician, plumber at painter na mula naman sa Cainta, Rizal. Nais niyang magpasalamat sa kabutihan ng Dios kaya siya nakasulat ng isang praise song.
Salamat kina Wings Soriano, ang interpreter ng “Oh Aking Ama (Salamat sa Iyo)” at Almira Cercado para naman sa awiting “You are the Love”.
Si Wings Soriano ay isang acoustic performer at producer ng “Let Me Be the One” album para kay Jimmy Bondoc.
Si Almira Cercado ay isa sa mga Cercado sisters na lumahok na rin sa WCOPA.
Ang mga naging hurado naman ay sina Boboy Garovillo ng Apo Hiking Society,
Beverly Salviejo na isang singer-comedienne, at ang resident Judge, si Mon
del Rosario.
Congratulations sa mga winners para sa ikalawang linggo ng Pebrero.
Tutukan naman ang February Week 3 episode ng A Song of Praise Music Festival sa Sunday, Feb. 17, 2013, 7:00 to 8:30 pm sa UNTV 37 Tahanan Mo, Tahanan Natin.

Monday, February 4, 2013

“Iniibig Kita Buong Puso at Kaluluwa” ang unang Song of the Week sa Feb




“Iniibig Kita Buong Puso at Kaluluwa” ang panalong praise song entry sa unang linggo ng Pebrero ngayong taon. Ang kompositor nito, si Raul Trinidad, at si Brenan Espartinez, na siyang napiling interpreter ng awit, ay tuwang-tuwa sa pagkapanalo nito.
Ito ang ikalawang beses ng pagsali ni Raul. “Sa naalaala ko dun sa first time na pagsali ko, sa musical arrangement, okey naman ang comment ng mga judges. Si Doc Mon, nag-comment na kailangan ma-improve doon sa lyrics ko,” ang wika ng kompositor.
“Ang naging inspirasyon ko sa ginawa kong kanta ngayon (ay) ‘yung biyaya ng Panginoon…mga pagpapala Niya sa atin. Kaya dahil sa mga iyon, nais ko Siyang pasalamatan, papurihan at sundin ang isa sa mga pinakamahalagang utos Niya –ang ibigin Siya buong puso at kaluluwa.”
Si Brenan naman ay masaya sa muling pag-anyaya ng ASOP sa kanya bilang interpreter. Ayon sa mga hurado, mahusay ang pagkaka-awit ni Brenan sa song entry ni Raul.
Si Brenan ay Pinoy Pop Superstar Season 1 1st runner-up at miyembro ng bandang SubProjek.
Narito naman ang dalawa pang song entries para sa Week 1 ng February:
(1) “Itatanghal Ka sa Bawat Awitin Ko” na isinulat ni Joyzer Nicolas, at inawit naman ni Vince Alaras, dating vocalist ng bandang South Border.
(2) “Himig ng Buhay” na likha naman ni John Paul Padolina, at inawit ni Toto Sorioso, na isang singer-song writer at ang 2010 FILSCAP songwriting competition grand winner.
Congratulations, Raul at Brenan!
Abangan ang muling pagsabak nila sa February monthly finals.
Tutok lang sa ASOP tuwing Linggo, 7:00-8:30 PM sa UNTV 37.